Your browser doesn't support the EMBED tag, but you can still listen to the music on this page by <a href="you_file.mhttp://www.geocities.com/mark_marp/listenblog.mp3" rel="nofollow">clicking here.</a>
Image hosted by Photobucket.com


Saturday, October 29, 2005
......>

alam mo kayang MinaHAL kita...
ikaw ang ugat ng 
PUNO ng pagsinta
na patuloy nang nagbubunga
ng ALON ng musikang
nagsisilbing 
OYAYI sa kaluluwa.


ikaw ang liwanag ng umaga,
na sa DIWA'y ikinintal
ng tadhana,
sa bawat LETRA
ng kathang ipinipinta,
ikaw ang
PUWERASAng nagdidikta.

ikaw ang KULAY
na ginagamit ko
sa isang larawang
ikinubli ko...
na tila anyo
ng bagyo ng kalungkutan
na naging BAHAG-HARI
ng kaluguran.

ikaw ang PIYESA
ng paborito kong retorika,
patuloy na
idinadalit sa UMAGA..
at nagbibigay sa akin
ng PAG-ASA
na muling aawit
ang piping alaala.

kung ikaw lahat ang dahilan
masabi ko kayang minahal kita?
paano kung malaman mo
na ikaw ang binhi...
masabi ko kayang tunay na pagibig
o
marahil bunga lamang
ng makapangyarihang pagNAnaSA.


IbInAhAgI nG 11:56 pm nI kamikazek
Comments (2)  




Thursday, October 27, 2005
.....

naudlot na banyuhay...

titig. sa anyo ng anino sa gitna ng gabi,

ikaw ang tinig ng katahimikang bumasag sa ingay,

ang atungal mo ang musikang bumuhay sa diwa..


hikbi. inalay ko ang panyo ko bilang pamahid ng iyong luha,

ibinahagi ko ang bisig ko, bilang kanlungan ng awa,

idinambana ang pitak ng puso ko, bilang simbolo ng pag-unawa.


bigo. hindi sapat ang panyo ko upang tuyuin ang iyong pisngi.

hindi sapat ang bisig ko, upang ikaw ay ibigkis at ang iyong lunggati

hindi sapat ang pitak ng puso ko, dahil singpino na ng buhangin ang piraso

natanto ko mas maaliwalas ang umaga mo
kaysa sa umagang kinakaharap ko...
tigib man ng pangungulila
lilisanin kusa...

IbInAhAgI nG 10:36 pm nI kamikazek
Make a comment  




Monday, October 03, 2005
wala na


tinangalan ako ng sandata
ngayon ay ayaw ng makisama
ng mga salita at kataga
upang makabuo ng katha

tinangalan ako ng panahon
hindi ko magawang umidlip
sa sobrang daming ginagawa
pero ang katotohanan,
nauubos ang oras ko sa pagtanga

tinangalan ako ng karapatan
hindi ko magawang umangal
lahat ay puno ng aral
kung gusto mo ng magandang buhay
ikaw ay magpakapagal

tinanggalan ako ng karapatan
masilayan ang yong kagandahan..
pano pa mang-iistalk sa friendster
kung malalaman mong profile mo lang
ang tangi kong nais masilayan.
anak ng...

tinanggalan ako ng kalayaan
o mahabaging langit! pano ko masisimulan
ang mga gawaing naghihintay
kung wlang inspirasyong
pupukaw sa kamalayan..

kulang lang sa pansin
nasan na ang dating katauhan


 

hindi yan tula... medyo nawla lang sa kamalayan..
kacornyhan, basta may maipost lng.. bad3p tlga friendster oh... bat naglagay pa ng ganung kaekekan...

IbInAhAgI nG 12:09 am nI kamikazek
Make a comment  




Friday, September 16, 2005
naalala kita

naalala kita,
aliban na nagpinta
ng iyong porma
ngayo ako'y inaabala

perpekto ka na sana,
lahat ng katangiang magaganda,
natanto kong kulang pa
kaya'y hindi kita sinamba.

perpekto ka na sana,
matagal din kitang nakasama
tinalasan ko ang mata,
kahiwanaan palay wla ka.

perpekto ka na sana,
nang lumaon ay nag-iba
hindi ko lng batid kung
liwanag ba ng katotohanan
o dilim ng kasinungalingan,
ngayon wala ka ng mata.

perpekto ka na sana,
ngunit bakit mo isinara
ang pandinig mo
sa sigaw ng katarungan
na minsan mong kaulayaw.

perpekto ka na sana,
ngunit bakit umurong ang dila?
bakit ngayoy hindi mo na masambit
ang mga salitang inuudyok ng paniniwala?

perpekto ka na sana,
ngunit bakit sa katinuan ay nawala?
nasaan na ang iyong karunungan?
nakikisabay batay sa karamihan,
nasaan na ang radikal mong katauhan.

nasaan na ang perpektong minsan kong nakilala,
bakit kinain ka na ng sistema.

imulat ang mata,
talasan ang tenga,
palayain ang diwa
at isigaw ng bibig
ang tunay na adhika.
kapag nagawa mo ito,

SASAMBAHIN KITA
ng higit sa kanila


IbInAhAgI nG 05:01 pm nI kamikazek
Comment (1)  




Thursday, August 25, 2005
takas!

 LIHIM

Ilang gabi ng lumuha't nagsisi
Bakit lumalapit, umaasang magbabalik
Habang naglalakad
Lumilipad ang aking isip
Sa'king panaginip, umaabot hanggang langit.

Chorus
Ngunit pag ika'y lalapit para 'bang masasaktan
Ayaw mapahiya ngunit 'di makaiwas
At pag nandyan na't kaharap
Biglang mawawala
Ang gustong sbihin
Unti unting nagiging lihim
Kasabay ng luha ko....

Gusto ng lumayo
Sa kanyang mundo
Kahit anong gawin
My pumipigil na damdamin


huling kantang narinig ko, milk N money ito.. anong meron, napapaisip pa ko...
kamot sa ulo..
naalala ko na

IbInAhAgI nG 11:59 pm nI kamikazek
Comment (1)  




Sunday, August 07, 2005
....

masidhi ang kagustuhang kumawala,
tinalo ng kahinaan sa pag-unawa.

walang sinumang maaaring humaplos,
sa pusong ngayon ay naghihikaos.

pilit pinupunan ang inakala kong pagdadahop
kahapong pinanghahawakan kong lubos

nararamdaman kong pag-iisa,
kahit pa kasama ka.

walang maidudulot na maganda,
at ayoko ng lumalala pa.

kaya nman nagsusumamo sa paglimot,
akin ng napagtanto.

tuyo na ang mga luha,
pinawi ngunit patuloy  na nasisira...

lisanin, limutin, kumawala at pahirin..
kalayaan, bakit ngayon mo pa ko iniwan.

kalungkutan,bat ngayon mo pa ko hinahagkan?


IbInAhAgI nG 11:46 pm nI kamikazek
Comment (1)  




Tuesday, July 26, 2005
...

magandang araw ito... kahit na nalaman kong sablay nnman ako sa quiz ko, bket nga ba kelangan kong magkuwento? dahil gsto kolng.. salamat nga pala sa panlilibre sa totoo lng ang huling libreng natikman ko,kelan nga ba, noong bago magsimula ang klase, kasama ko ang mga kaibigan ko, isang mc float ang libre nmin, tpos nung b-day ng kamagaral ko isang 1 liter na soft drink at ngayon jollibee ni kons! yehey!  salamat tlga kaibigan! nasundan na din kaya naman dapat ikatuwa to! magandang simulain!  kahapon ko pa dapat ipopost ang isang ito pro ngaun lang ako sinipag..

palayain ang dalumat...

pagod na ako...
humahanap ng dahilan,
dahilan upang matakasan,
pilit kong tinatakasan ang katotohanan,
katotohanang malayo sa inaasahan,
inaasahang kaakibat ng kinabukasan,
kinabukasang gusto kong paghandaan,
pinaghahandaang laban,
labang pilit kong pinagsasanayan,
pinagsasanayang tunggalian,
tunggaliang wlang katapusan,
katapusang hindi mo na makakamtan,
makakatamtan ang kaunlaran,
kaunlarang tila natatabunan,
natatabunan ng kabulukan,
kabulukan sa sistema ng bayan,
bayang luhaan at sugatan,
sugatan dahil ba sa katangahan?
katangahang hindi mo malisan,
hindi mo malisan at pinagdidiinan,
pinagdiinan at ginawang bahagi,
bahagi ng iyong buhay,
buhay na sana ay makulay
makulay ngunit puno ng pagdadahop
pagdadahop na hindi mo mapunan,
punan ang iyong kamalian,
kamaliang nagdulot ng kalungkutan,
kalungkutang ngayon ay nananahan,
nananahan sa iyong katauhang,
katauhang naghahanap ng kasagutan,
kasagutan sa mga tanong ng isipan,
isipang wala sa katinuan,
katinuang hindi mo alam ang tunay na kahulugan,
kahulugan na ang katumbas ay kalayaan,
kalayaang matagal mong ipinaglalaban,
ipinaglalabang hindi nila maunawaan,
mauunawan nila marahil sa katapusan..
pagod na ko...
sana'y nararamdaman mo...


IbInAhAgI nG 11:53 pm nI kamikazek
Make a comment  




Tuesday, July 19, 2005
..

ayokong pigilin..

ayokong tignan..

ayokong marinig..

ayokong lisanin...

tigib ng kalungkutan

luha ng karimlan

patuloy kang kalilimutan

walang katapusan

nangakong ......

IbInAhAgI nG 07:36 am nI kamikazek
Make a comment  




Tuesday, July 12, 2005
.

alam ko late nako sa klase ko,pero anong magagawa ko,mukhang kinakalaban ako ng tiyan ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko. alam ko late na ko kaya naman medyo nakakunot noo na ko, pang-ilang ulit ko ng hindi umaabot sa klase kong 7:30,tsk..tsk... sa totoo lang ayoko ng masyadong maaga,tulog pa selula ng utak ko nun...
akala ko walang taripa c manong,nagbayad ako tulad na nakasanayan, ngunit sinabihan nya ako, kulang ng piso para sa estudyanteng katulad ko... magalang ang pagkakasabi nya,humingi pa ng patawad, sa totoo lang hindi nya kelangang humingi ng patawad, wala siyang kasalanan sa mga kaganapan.kaya dahil sa kanyang kabaitan, nagliwanag ang araw ko kahit ako'y huli na sa klase ko dahil sa kabaitang ipinakita nya. sa totoo lang maganda ang sikat ng araw,nahamon ako...
sa klase masaya na sana kung walang problema,hindi namin nagawa ang pinagagawa dahil sa kakulangan na hindi namin kasalanan, pero ayos lng sa ibang pagkakataon, matatapos din ito.
nagugutom ako pero nagtitipid ako,nagtatalo ang kagustuhan ko sa pangangailangan ko, pero tuwing maiisip ko ang nagngangalit na ugat sa braso ko, napipilitan akong kumain at talunin ang kailangan ko, masarap naman at nabusog ako, hindi ko ipagpapalit ang araw na ito.
Nag-quiz kami, sa totoo lang puro sabit ang resulta ng mga first quiz ko, tsk..tsk... ewan ko ba sa sarili ko, ningas-kugon, hindi ko to gusto,pero nilalamon ng katamaran ang katauhan ko at talo na ako,pero gagnti ako hindi nga lang ngayon, ang sarap kasing gumawa ng wala..pero minsan mahirap din..
nagmamadali ako pauwi dahil baka hindi ko abutana ang naruto, medyo naiinis ako,bakit traffic nanaman papuntang recto.napakunot-noo nanaman ako. pagdating ko sa recto,bat walang masakyan ng biyahe pauwi? napakamot na ko, pinagpapawisan na ako, bakit parang ang init kahit kanina pa umulan.
ang layo ng nilakad ko para makasakay pauwi nakaupo na ko, nagbayad ng pamasahe ko,tinanong ako ng drayber, san to? sinabi ko ang destinasyon ko, tinanong ulit ako, "ano ka?" sinabi ko sa pangalawang pagkakataon ang destinasyon ko, makulit si manong nagtanong ulit "ano ka?"kumunot noo ko, sasabihin ko sana ulit ang destinasyon ko,kahit na gusto ko ng sabihin ang katagang "EDI TAO!!!!!!!!!" ng makuha ko ang gusto niyang ipunto, sasagutin ko sana "iskolar po ng bayan," pero napatigil ako sa katagang is... napaisip ako, sabay kamot sa ulo,bagsak ako sa first quiz ko, kahihiyan kung sasabihin kong ganito ang ginagawa ko sa taong isa sa mga nagpapaaral sa katulad kong isko,kaya sinabi ko na lang ang mga katagang "estudyante."
nagiisip ako habang pauwi, tungkol sa mga pagkakamaling nagawa ko, ngaung semestre, marami pang pagkakataon para bumawi, pero sandali lamang ang oras ang nakain ng kaisipan ito, dahil mayamaya lang nagiisip na ko kung pano itutulak ang dalawang matabang katabi ko sa kaliwa at sa kanan na sinisiksik ang payat na katulad ko, tsk..tsk... palaman ang labas ko, pinagpapawisan ko, ng bumaba ang isa, akala ko nakahinga na ko, pero siniksik naman ako ng seksing miss na katabi ko, wehehe...medyo okey na sana,kaya lng ang haba ng long black hair nya na nililipad at sumasampal sa mukha kong hindi na maipinta, kaya nalamangan ng hinanakit ko sa kanya ang paghanga ko sa kagandahan nya..nyahaha! tama na! magandang araw!

IbInAhAgI nG 04:46 pm nI kamikazek
Comment (1)  




Friday, July 08, 2005
abkd....


 Hindi ako makata!

ngunit pinipilit kong tumula;
dahil gustong kumawala,
ng bawat letra at kataga.


Wala akong alam sa salita!

salat ang kakayahan ko sa pag-unawa;
pinaglalaruan ko lamang ang bawat letra,
na sa aking hiraya'y idinidikta.


Mangmang ako sa pagkatha!

madalas nakatanga at nakatulala;
walang laman ang aking mga likha'
kundi mga aliban na inadya.


Ang alpabeto ba'y nasisira?

dahil kinakain ko ang mga salita;
ito kaya'y bumabara,
at sa alaala kaya'y bumubura?


Alam kong galit sa akin ang wika!

dahil sa maling pagamit ko sa balarila;
ngunit handa akong magpa-alila,
upang katotohanan ay makita.


Ayokong ito'y ilathala...
dahil iisipin nyong ako'y tanga,
ano ba naman ang magagawa,
ng katulad kong sa karunungan ay dukha?


IbInAhAgI nG 01:57 am nI kamikazek
Make a comment  




Next Page




Gusto kong simulan pero hindi ko magawa,
Gusto kong tapusin pero walang simula,
Sa kakulitan ng mahal kong kaibigan,
Gawin ang bagay na ito, ako'y napilitan.

Pinikit ang mga mata at aking hinayaan
Ang aking isipa'y maglakbay sa kawalan,
Sa gitna ng mundong tila walang hangganan,
Nakamtan ko ang pansamantalang kalayaan.

Malayo sa ingay at sa mundong magulo,
Kung saan ang buhay ko'y puno ng delubyo,
Dito sa malaparaisong lugar na ito,
Malaya kong naipapahayag ang gusto.

Kaya hayaan nyong ibahagi ko sa inyo,
Laman ng isipan at ang ginawa kong mundo,
Kung saan ako ang bida at ang gawa ko,
Mga kaibigan, "Kathang-isip" lang po ito.







ang mananalaysay ay

Si: Mark
ipinanganak noong: nagkakagulo sa EDSA
kasalukyang: nasa kolehiyo
sa kursong: medyo gusto ko
naninirahan sa: siyudad ng Kalokohan este Kalookan

ang mananalaysay ay


.:+[mukhang]seryosong tao+:.
.:+tahimik+:.
.:+mabait[pagtulog]+:.
.:+Pilipino[pinagmamalaki ko to!]+:.
.:+may takot+:.
.:+makaluma+:.
.:+mahilig sa panaginip [haha!]+:.
.:+tamad[sobra]+:.
.:+mabuhay ang wikang Filipino[hehehe]+:.
.:+tinatamad na ko,ung iba alamin na lamang+:.



aNo pO uN?


   









Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed